Ogie sa paglipat ni Regine: Basta, it’s all very exciting!

KASAMA ni Ogie Alcasid ang asawang si Regine Velasquez sa nakaraang ABS-CBN Ball, na isa raw patunay na magiging Kapamilya na rin ang Songbird.

Natanong si Ogie tungkol sa paglipat ni Regine sa Dos, “Whatever it is that’s going to happen, I’m always very excited for her, so there’s nothing yet, but kung ano man ang naririnig niyo, it’s all very exciting.”
Naging malaking impluwensya ba siya sa desisyon ng kanyang misis, “No not at all. Ako lang ang nag pe-prepare ng toothbrush niya. Ha-haha! I mean as a husband siyempre she shares her thoughts.”
Samantala, tuwang-tuwa naman ang mga fans nang finally ay maka-attend na sa ABS-CBN Ball sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo with matching holding hands pa. Ilang taon na rin kasing uma-attend si Matteo nang solo sa Star Magic Ball.

Read more...