Bagyong Quennie binabantayan ng Pagasa

BINABANTAYAN ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang bagyong Queenie. 

Inaaaahang papasok ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) Lunes ng gabi o Martes ng umaga kung hindi ito magbabago ng bilis at direksyon.

Ang international name ng bagyo ay Kong-Rey, na halaw sa pangalan ng isang magandang babae sa alamat mula sa Cambodia.

Ito ay nasa layong 1,550 kilometro sa silangan ng Visayas. Inaasahan na lalo pa itong lumakas at umabot sa typhoon category. Ito ay nasa Severe Tropical Storm Category na.

Umaabot na sa 100 kilometro bawat oras ang bilis ng hanging dala nito at may pagbugso na 120 kilometro bawat oras.

Umuusad ito sa bilis na 25 kilometro bawat oras patungong kanluran-hilagang kanluran. Daraanan nito ang direksyong tinahak ng bagyong Paeng na nasa labas na ang PAR noong Sabado. Lalabas ito ng PAR sa Sabado o Linggo.

Read more...