Gabby hindi kawalan sa ‘My 40 Years’ ni Mega; Regine, Goma agaw-eksena

RICHARD GOMEZ AT SHARON CUNETA

Wala man si Gabby Concepcion sa “My 40 Years” anniversary concert ni Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum, kumpleto naman ang pamilya niya at mga totoong kaibigan na nagmamahal sa kanya.

Punumpuno ang Big Dome para sa “My 40 Years” ni Mega dahil bukod nga sa libu-libong Sharonians na nakibahagi sa ika-40 anibersaryo niya sa showbiz, star-studded din ang kanyang audience.

Naroon sina Aga Muhlach at misis na si Charlene Gonzalez, Ai Ai delas Alas with husband Gerald Sibayan, Ogie Alcasid, Mayor Herbert Bautista, at ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Maraming na-touch sa muling pagsasama ng mag-inang Sharon at KC sa isang stage kung saan kanilang inalala ang ilan sa mahahalagang yugto ng kanilang buhay.

Nakisaya rin sa concert ang mga nakatrabaho noon ni Mega na sina Agot Isidro, Kuh Ledesma at Zsa Zsa Padilla, Basil Valdez, Christopher de Leon, Martin Nievera, Gary Valenciano, at ang sorpresang pag-akyat ng Sharonian na si Regine Velasquez na nakipag-duet din kay Sharon.

Pero ang isa sa pinakatinilian ng audience na talaga namang dumagundong sa Big Dome ay ang duet nina Sharon at Richard Gomez. In fairness, talagang kinarir ni Mega ang pagbabalik niya sa concert stage dahil mula simula hanggang sa ending ng show ay na-maintain niya ang kanyang boses.

At kahit nga wala ang ex-husband na si Gabby sa selebrasyon, siguradong super happy pa rin si Mega sa success ng “My 40 Years”. Sabi nga ng ilang Sharonians, hindi naman pala kawalan ang aktor.

Read more...