NAKU, kapatid na Ervin, mainit-init pang tsika ang nakarating sa atin, tuloy-tuloy na ang series of meetings ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez patungkol sa paglipat ng Songbird sa ABS-CBN.
May ilang detalye na lang daw na inaayos ang Kapamilya Network at ang kampo ni Regine kasama ang iba pang platforms ng ABS-CBN para sa paglipat ng misis ni Ogie.
Yes, minor lang daw na usapin ang television and movie exposures ni Regine once na maging Kapamilya na siya dahil ang usapin na mag-venture ito sa international scene via The Filipino Channel ang talagang main reason kung bakit siya lilipat.
Balitang sila ni Ogie ang gagawing pambenta ng TFC sa mga naka-line up na Kapamilya concerts abroad next year. Ibang putahe naman para sa mga Kapamilya natin sa iba’t ibang panig ng mundo.