Maja inisnab daw sa pa-anniversary special ng ‘Ang Probinsyano’ sa ASAP

MAJA SALVADOR

Hindi man nagpaparamdam, lagi namang nasasali ang name ni Maja Salvador sa mga showbiz items.
Nauna na nga ang pagbanggit sa kanya among the ex of Carlo Aquino na siyang naging rason ng break-up noon ng binata at ni Angelica Panganiban.

Pero ang mas nakakaintrigang chika na dinedepensa ng kanyang fans ay ang pangdededma sa aktres ng Ang Probinsyano production noong mag-celebrate sa ASAP ng kanilang third anniversary ang serye ni Coco Martin.

May nagtsika pang naroon lang daw si Maja sa ASAP backstage pero bakit mukhang ni hindi man lang daw ito tinimbrehan na makasama sa selebrasyon at pa-tribute ng show gayung isa siya sa original cast member ng teleserye.

May tsismis pang “nagparamdam” si Maja by greeting most of the cast members na naroon that day, pero hindi pa rin umano ito naimbita to join them.

Iyan ang nagkakaisang sentimyento at reklamo ng supporters ni Maja. Anyare ba talaga?

Read more...