Kundisyon ni sexy female star sa pictorial: bawal mag-English


Ms. Something made herself a laughing stock.

Sa pictorial niya kasi for a glossy magazine, she imposed a No English please demeanor.

Sa pool ang pictorial since she was to wear a bikini. Pinangunahan na niya agad ang production ng glossy magazine at pinagbawalan niya ang lahat ng involve sa photo shoot na habang kinukunan siya at habang nasa set pa siya ay bawal sa mga ito ang mag-usap using the King’s language.

Aminado si Ms. Something that she has a poor comprehension of the English language. Kahit nakatapos siya ng kolehiyo, parang bacteria sa kanya ang nasabing lengguwahe kaya whenever she has to power, talagang ipinagbabawal niya ang paggamit nito.

Ang nasa isip siguro niya ay baka siya mapaglaruan kasi nga hindi siya conversant sa English. She probably thought na baka biglang may mag-English at hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin.

Yes, Virginia, the interview that followed was done using the vernacular. Wait, mayroon pang isang mahigpit na ipinagbabawal ang aktres-aktresan – bawal tingnan ang kanyang thighs. Insecure siya sa kanyang thighs.

Read more...