Matutong magkontrol

NGAYON higit sa lahat ng panahon kinakaila-ngan ang pagpipigil sa sarili. Hindi pupuwede ang bukam-bibig ng mga kabataan ngayon na magpipigil lamang pag may time!

Kapansin-pansin na lalong sumasama ang kalagayan ng daigdig ngayon kasabay din ng pagsama ng ugali ng tao.

Ito rin ang palaging ipinapayo sa ating mga OFW, seabased o landbased workers man.

Maraming mga kaso na kinasasangkutan ng OFW na minsan pa nga ay nagreresulta sa hindi napapanahong mga kamatayan ng mga ito ng dahil sa kawalan ng pagpipigil sa sarili.

Mayroon namang makikialam sa alitan ng iba o di kaya’y manghihimasok sa isyu ng iba, sa halip na pigilan ang sarili na huwag na lamang makialam o manahimik na lamang. Talagang pipiliin pa nilang makigulo at sa bandang huli ay sila ang napapahamak.
Dahil sa nawalan na naman sila ng pagpipi-gil sa sarili.

Ito rin ang paulit-ulit na paalala ng mga makakaranasang kapitan ng mga barko.
Palibhasa magkakasama sa loob ng iisang barko sa loob ng 10 buwa, kung kaya’t hindi naiiwasan na maaaring may makabangga o makaalitan ang mga ito ng kanilang kapwa seafarer.

Mas malakas na pagpipigil sa sarili ang kinakailangan nila. Iyon nga lang nagkatitigan at napatingin ng masama sa kapwa marino, maaaring simulan na iyon ng away at kaguluhan na kadalasan pa nga, nagkakampi-kampihan ang mga ito na mauuwi sa rambol.

Bugbugang umaatikabo ang mangyayari at sa bandang huli puwede pa ngang may mamatay pa sa kanila.

Ganoon din sa mga bawal na pakikipag- relasyon. Hindi pinipigilan ang mga damdaming hindi naman nararapat dahil sa parehong may mga asawa o di kaya’y papatol sa may-asawa, kaya naman nagreport-resulta iyon sa mga pagkawasak ng pamilya.

Pati ang mga bibig, hindi rin mapigilan. Gagamitin nila iyon sa paninira ng kapwa o Di kaya’y magpapakawala ng masasakit na mga salita, na maaaring ikasira din ng kaniyang sariling reputasyon at pagkatao.

Kaya sa lahat ng pagkakataon, pakaisipin sana nating palagi matutong magpigil ng ating mga sarili, matutong mag-kontrol, all the time!

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com/susankbantayocw@yahoo.com

Read more...