Maureen niresbakan ang basher na nagsabing mukha siyang transgender

COOL  lang si Asia’s Next Top Model grand winner Maureen Wroblewitz sa pagsagot sa bashers niya online, lalo na nang pumasok na siya sa Eat Bulaga.

Napapanood ngayon si Maureen sa Eat Bulaga bilang kapatid ni Boss Madam played by Ryzza Mae Dizon. At mula nga nang mapanood siya sa noontime show, napakarami nang nanglalait sa kanya.

Isa na nga rito ay isang netizen na nag-tweet tungkol sa kanyang itsura. Sinabihan siya nitong mukhang ‘transgender’. Sagot ni Maureen, “What’s wrong with looking like a transgender?”

Read more...