Mr. Personality ayaw ng assistant na lalaki

MARANGAL na tao ang pagkakakilala sa kanya ng karamihan pero iba ang salaysay ng mga nakasama niya sa industriya na kanyang ginagalawan.

Naging mambabatas at miyembro ng Gabinete sa mga nakalipas na pamahalaan pero wala pa ring pagbabago pagdating sa kalokohan ang bida sa ating kwento ngayong araw.

Kamakailan ay nagrequest ang ating bida sa kasalukuyan niyang pinaglilingkuran na media outfit na bigyan siya ng sariling personal assistant.

Specific ang kanyang request, gusto niya ng babaeng alalay at ayaw niya ng lalaki.

Hindi tuloy napigilan ng ilang mga kasamahan sa trabaho na tumaas ang kanilang kilay lalo’t markado si Sir pagdating sa kalokohan sa mga chicks.

Muling naungkat ang dahilan ng pag-alis sa trabaho ng isang magandang reporter makaraan umanong i-harass ni Boss sa loob ng kanyang opisina noong sila’y magkatrabaho pa.

May kwento rin tungkol sa ginawa niyang indecent proposal sa isa ring reporter pero kaagad siyang binasted nito.

Malayong malayo sa kanyang imahe ang mga tunay na kwento sa kanyang pagkatao.

Pero sinabi ng ilang mga nakakakilala sa kanya na sa kabila ng kanyang edad ay mahilig pa rin si Sir.

Bilang patunay ay suki raw ito ng isang tambayan ng mga “dirty old men” sa isang maingay na lugar dito sa Metro Manila.
‘Yan daw ang dahilan kaya madalas na sabihin ng kanyang mga kasamahan sa pinagli-lingkuran niyang media outfit na puro lalaki ang kanilang aplikante.

Ang kagalang-galang kuno na kilalang personalidad na markado dahil sa kanyang kalokohan ay si Mr. O….as in Oh My.

Read more...