Mikee tinupad ang hiling ng mga fans ng Onanay


WISH granted ang request ng fans ng Kapuso actress na Mikee Quintos.

Sa kanyang pangalawang vlog entry kasi ay dinala niya ang kanyang mga followers sa set ng pinagbibidahang primetime drama na Onanay.

Aliw na aliw ang mga viewers sa behind the scenes at fun facts tungkol sa Kapuso series at sa members ng cast. Dahil dito, ayon sa mga netizens na nakapanood sa video ni Mikee, mas ginanahan pa silang subaybayan ang Onanay.

Ano pa kaya ang mga susunod na ipi-feature ni Mikee sa kanyang channel?

Samantala, sa top-rating GMA Primetime series na Onanay, natutuwa ang mga manonood dahil mas nagiging malapit na ngayon sina Onay (Jo Berry) at Maila (Mikee) sa isa’t isa dahil naging magkakampi na sila sa lahat ng pagsubok na dumarating sa kanilang pamilya.

Malampasan kaya nila ang mga bagong hamon ng tadhana sa kanilang buhay? Abangan ang mas matitindi pang mga eksena sa top-rating series na Onanay na napapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad after Victor Magtanggol!

Kasama pa rin dito sina Nora Aunor, Cherie Gil, Kate Valdez, Gardo Versoza, Vaness del Moral, Wendell Ramos, Rochelle Pangilinan at marami pang iba, sa direksyon ni Gina Alajar.

Read more...