‘Escalera,’ may silbi ka

HUWAG sabihing mas magaling ka. Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Kar 2:12, 17-20; Sal 54:3-8, Jaime 3:16; Jaime 4:3; Mc 9:30-37) sa ika-25 Linggo ng karaniwang panahon.

Piliin, at unahin, muna ang tatlong tinamaan ng kidlat (talinhagang sumasapit kapag dumilim ang kalangitan): Uson, Olivar, Trillanes. Ang akala nila’y magagaling sila. Pero, higit na magaling ang langit, ang Divino. Sinong mag-aakalang mali pala sila? Ang kamalian ba ay napagtatanto kapag napahiya na? Tito “Escalera” Sotto: huwag pagtripan ang Lupang Hinirang. Pero may silbi ka kung magiging batas ang edad ng criminal responsibility sa 13, simula 15, na akda ng asawa ni Sharon.

Ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 (RA 9344) ay gawa ng mga hindi nag-isip ng mangyayari sa taon 2018, na pumapatay, nanggagahasa, nagdadala ng shabu, atbp., ang menor de edad. Sa Mc 9:30-37 (ang Unang Pagbasa pa naman ay mula sa aklat ng Karunungan), hindi sila magagaling. Noong Miyerkules, di na lang pinansin ng barangay tanod ang reklamo ng 10-anyos na babae na umano’y hinipuan ng 14-anyos na lalaki sa Bagong Silang, NC dahil may pangitlinan law.

Sa Novaliches Bayan, QC, di na rin pinansin ng traffic enforcer ang gulo sa pampasaherong jeepney nang duraan sa mukha ng menor de edad ang babaeng pasahero na agad nagsoli ng sobre na ibinigay ng marusing. Dahil may pangitlinan law. Pangit talaga ang batas na iyan ni Pangilinan. Pangitlinan kung tawagin sa barangay. Ang pangitlinan law ay ibinase sa international standards. Ang amyenda ng Escalera brother ay base rin sa internation, at local, standards.

Pagkalipas ng 40 taon, sina Trillanes at dilawan ba ay babayaran ng milyones, tulad ng ginawa sa mga komunista, sa pangunguna nina Joma’t Juliet? Aba’y magandang puhunan pala ang manindigan, mag-alsa at pumatay sa kapwa hanay sa suspetsang ahente sila ng militar. Dito nagngangalit ang mga sundalo. Ang sinasabing kaaway ng estado ang magpapakulong pa sa kanila at babayaran pagkalipas ng panahon.

Ang dumalo sa mga Misa sa kapistahan ni Santo Padre Pio noong Set. 22 ay patunay na di kayang pabagsakin ang simbahan ng mga akusasyong sekswal kontra “small number of wayward priests.” Ang di nabulok na puso ni Pio ng Pietrelcina ay dadalaw sa bansa sa Okt. Ang kanyang di naagnas na katawan ay nasa Giovanni Rotondo, Italy. Ang debosyon ng Pinoy kay Padre Pio ay bukod sa dumadagsa Biyernes at Miyerkules sa Quiapo at Baclaran; at Sabado sa National Shrine of the Divine Mercy.

Bayang karerista, buto’t balat na sa cancer ang horse racing columnist na si Orlando “Galman” Primo. Naging kolumnista siya sa Evening Post, mga publications ni Yuseco, Bandera at People’s. Ang kanyang asawa ay namatay sa cancer, at siya’y inaalagaan ng iisang anak, 15-anyos na babae. Dinalaw ko siya para ihanda sa grasya ng kapatawaran sa Evangelista Hospital, Pacita Complex, San Pedro, Laguna.

Mula sa isang senior citizen sa San Jose, Bulakan, Bulacan: masakit na ang kabayang Goyo ay katawatawa sa pelikula ni Tarog. Pero, tanggap ito ng matatanda. Walang paki ang millenials. Kung may huwad na mga bayani sa Cavite, tulad ni Miong, meron din namang peke sa Bulacan. Kailangan ang masusing imbestigasyon at magiging ganap lamang ang damdamin ng Bulakenyo ngayon kung itatanghal ang tunay na makabayan, kung ayaw man nilang tawaging bayani. Kailangang gumawa si Tarog ng pelikula hinggil sa kapalpakan ng mag-inang Aquino, kung ang hangad ay katotohanan.

UST (Usaping Senior sa Talakayan, Lumang Bayan, Plaridel, Bulacan): 1958 ang bagong batch ng senior citizens at hayag ang uring mayaman at mahirap. May mayaman, na noon ay mahirap; may mahirap, na noon ay mayaman. Pero, wala na ang tunggalian ng uri. Ang tunggalian ay pinahina ng tanaw-kanluranin. Mayaman man o mahirap na senior citizen, di na kinatatakutan ang kamatayan at pinaghahandaan ang paghihirap at karamdaman ng pasakalye ng kamatayan. Ikaw ba ito?

PAGBABAHAGI sa NilaYan (Nilay-ugnayan sa San Vicente, Malolos City, Bulacan): Di maiiwasan, nagkahiwalay ang mag-asawa. Di ito nakita ng lalaking palasimba at dalawang beses sa isang taon kung mangumpisal. Si babae ay tamad, maraming kahinaan at ang tanging lakas (strength) ay ang ganda, na di permanente. Ang paninindigan ng lalaking di naman mataas ang pinag-aralan ay ang tamad ay tamad at di magiging masipag. Ipagdasal ang lalaki at huwag pakainin ang tamad. Simple, nasa Ebanghelyo.

PANALANGIN: Wakasan Mo ang kawalan ng tamang pag-unawa.

MULA sa bayan (0916-5401958): Kamag-anak ba ni Mayor Sara Duterte si Mrs. Zimmerman sa pelikulang House With A Clock In Its Walls? Strong woman din kasi si Mrs. Zimmerman na platonic ni Jonathan. …6203, City Heights, GenSan

Read more...