The Clash top 6 mas pahihirapan sina Ai Ai, Lani at Christian sa final battle


MULI kaming bumilib at napanganga sa performance ng Top 6 Clashers sa reality singing competetion na The Clash ng GMA hosted by Regine Velasquez.

Humarap sa entertainment media ang anim na Clashers sa ginanap na press presentation kamakailan at dito nga nila muling ibinandera ang kanilang pagiging halimaw sa pagkanta.

Sa nalalapit na finale ng The Clash, asahan ang mas mainit at mas matitinding bakbakan on stage ng natitirang anim na Clashers patungo sa pagtupad ng kanilang pangarap na maging kauna-unahang The Clash grand winner.

The clashers who made the cut at the Top of the Clash are Anthony Rosaldo, (ang Matinik na Heartthrob ng Valenzuela); Garrett Bolden, (ang Tower of Power ng Olongapo); Golden Cañedo, (ang Golden Voice ng Cebu); Jong Madaliday, (the Trending R&B Star of North Cotabato; Josh Adornado, (Cute Crooner ng Cagayan de Oro); at Mirriam Manalo, (ang Fierce Diva ng Pampanga).

Ayon sa Top 6, gagawin nila ang lahat para makaabot sa dulo ng labanan. Pero nagkakaisa sila sa pagsasabing, sinuman ang tanghaling The Clash champion sa kanila ay deserving naman na manalo dahil nga sa tindi ng pinagdaanan nilang laban mula nang magsimula ang kumpetisyon.

Inamin naman ng The Clash Panel of judges na siguradong mas mahihirapan silang piliin ngayon ang mananalo dahil habang tumatagal ay pagaling nang pagaling ang mga finalist.

Ayon kay Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, “I’m looking for a singer that can compete vocally with the best singers in the country and even in the world. I am also looking for someone na nahuhuli rin niya ang puso ng bawat puso ng Pilipino sa pagkanta niya at isang taong pag kumakanta, tumatagos yung kanta sa audience niya.”

Sey naman ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas, “Bukod sa magaling sa pagkanta, ang hinahanap ko sa gusto kong manalo ay dapat kaya rin i-exceed yung tinatawag na X-factor at star quality na gusto nating makita kasi siyempre, nakikita natin itong taong ito na next idol ng mga tao.”

Chika naman ni Asia’s Nightingale Lani Misalucha, “Yung mga clashers kasi natin napakahuhusay e, so for me it’s going to be a tough fight. Pakiramdam ko ako yung unang-unang kakabahan for our clashers.

“Kasi for me, it’s a bittersweet ending because yung mga clashers naging close na ang bawat isa sa amin to the point na we endeared them so much like our own children. Kaya malamang after the grand finals, for sure mamimiss namin sila,” aniya pa.

The Clash champion will take home more than P4 million worth of prizes including an exclusive management contract with GMA Network, P1 million cash, a brand new car and a Bria house and lot.

Sino nga kaya ang tatanghaling first ever The Clash champion? ‘Yan ang alamin sa pagpapatuloy ng labanan. Isa ang matatanggal ngayong Sabado at ang limang matitira ang siyang maglalaban-laban sa The Final Battle na gaganapin sa darating na Linggo (Sept. 30).

Read more...