SA kabila ng kasikatan at magandang estado sa buhay, inamin ng anak nina Benjie Paras at Jackie Forster na si Kobe na inaatake rin siya sa depresyon.
Ayon sa binata na player ng UP Fighting Maroons, totoo ang depression at ito’y nararanasan ng kahit sino, anuman ang estado ng kanyang buhay.
Sa kanyang Twitter account, inamin ni Kobe na dumadaan din siya sa “dark moments” kasabay ng paghikayat sa kanyang social media followers na maging sensitive sa pinagdaraanan ng ibang tao.
“Depression & anxiety is real! I personally have my dark moments but that does NOT define who I am!” tweet ni Kobe.
“Be there for anyone that you think is going through something. We are all human & we all have emotions! Peace & Love is what we need to spread not negativity & hate. Love yall!” aniya pa.
Bukod kay Kobe, ilan pa sa mga celebrities na umaming nakaranas ng depresyon ay sina Superstar Nora Aunor, Ryza Cenon, Vice Ganda, Jake Zyrus at marami pang iba.