Hamon kay Jenine: Tama na ang dakdak, kasuhan mo si Elmo kung sinaktan niya si Janella!
BASURA mo, babalik sa iyo! Ganu’n ang bira ng mga tagahanga ni Elmo Magalona sa ina ni Janella Salvador na si Jenine Desiderio.
Parang naghuhuramentado kasi ngayon si Jenine dahil sa nalaman niyang kuwento na ihinulog ni Elmo sa van ang kanyang dalaga. Inilabas niya ‘yun sa social media.
Walang sinasabi si Janella, maging si Elmo ay tahimik tungkol sa isyu, si Jenine lang ang naglalabas ng mga detalye sa social media kaya siya ang inuupakan ngayon ng mga fans ng loveteam.
Ang kanilang punto, “Nu’ng magkaaway kayo ng anak mo, e, ganyan ka rin! Ipinapahiya mo sa publiko ang anak mo, instead na pagtakpan mo ang mga maling nagagawa ni Janella!
“Ikaw pang nanay mismo ang naninira sa anak mo, kaya nga siya humiwalay sa iyo, di ba? Ngayon, si Elmo naman ang winawasak mo! Kung anu-anong kuwento ang inilalabas mo sa socmed!
“Kung totoong sinaktan pala ni Elmo ang anak mo, why not report the incident? Kasuhan mo si Elmo, mag-file ka ng case, hindi ‘yung ganyan na kuda ka nang kuda!
“Ang dami-dami mong sinasabi, kung anu-anong istorya ang ginagawa mo. File a case against Elmo! ‘Yun lang ‘yun!” isang komento lang laban kay Jenine Desiderio ng mga namamahal kina Janella at Elmo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.