WALA pang sagot ang mag-inang Elmo Magalona at Pia Magalona sa mga pasabog ni Jenine Desiderio tungkol sa diumano’y pananakit sa kanyang anak na si Janella Salvador.
Nag-tweet kasi si Jenine kamakailan at diretsahang binanggit ang pangalan ng nanay ni Elmo na siyang may pakana diumano sa lumabas na blind item sa isang entertainment portal. Aniya, “How much did Pia Magalona pay you to publish a twisted cover up story to clean up her son’s image? Da hell!”
Ayon sa nasabing blind item, ang pasa na natamo ng isang young celebrity sa braso nito ay hindi dahil sa taong pinagbibintangang nanakit dito, kundi napalakas daw ang hatak dito ng kasamang babae.
May konek ito sa nakaraang tweet ni Janella na patungkol din sa pananakit, “I think everyone deserves someone who does not hurt them regardless if they’re drunk or not. Men who are raised properly are never supposed to hurt women no matter what.” Hindi naman niya tinukoy kung sino ang pinatatamaan niya, ngunit maraming netizens ang nanghula na baka raw si Elmo ito.
Sa sumunod na tweet ni Jenine, sinabi nitong huwag silang baligtarin sa isyu kasabay ng bwelta sa isang ElNella fan na sana’y tumigil na siya sa paninira kina Janella at Elmo. Aniya, “We’ve been quiet kahit anak ko na tinulak palabas ng van at nahulog sa kalye. Pero para baligtarin pa kami, ibang usapan na yan.”
Sinagot din ni Jenine ang isang netizen na nagsabing siya ang may pagkukulang kay Janella at hindi niya dapat inaaway ang pamilya ni Elmo, “Wrong! Sorry. Yan ang sabi nila sa inyo. Pero yun ba ang totoo? Tanong nyo sa Diyos. I only speak the truth.”
Kasabay nito, hinamon din niya ang mga bashers na patunayan ang mga akusasyon sa kanya bilang ina, “Ano ginawa ko sa anak ko? Please explain.”
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Elmo. Bukas ang pahinang ito para sa kanilang paliwanag para maliwanagan ang isyu.