Du30: Red October hindi magtatagumpay kung wala ang AFP
SINABI ni Pangulong Duterte na hindi magtatagumpay ang umano’y Red October plot o ang umano’y pagtatangka na siya ay patalsikin sa pwesto kung wala ang suporta ng Armed Forcers of the Philippines (AFP).
“Alam mo, itong mga plot, plot, plot na ito ganito lang ang masasabi ko: Nothing will succeed without the help of the Armed Forces of the Philippines,” sabi ni Duterte sa isang ambush interview sa Jolo, Sulu.
Nauna nang kinumpirma ng AFP ang Red October plot kung saan may kutsabahan umano para matanggal sa katungkulan si Duterte.
“If the military, the Armed Forces, and the police think na hindi ako bagay na maging Presidente, sabihan nila ako. Walang away-away. Kasi ‘yung mga sundalo ko, sila — kasama man nila ‘yan. Kung sabihin nila na dapat palitan ako, larga ako. Kung ayaw ng military pati pulis, lalabas na ‘yung patayin nila diyan sa bunganga nila,” sabi ni Duterte.
Idinagdag ni Duterte na tuloy lamang ang kanyang trabaho.
“Basta ako, nagtatrabaho ako according to my promise. Corruption, drugs, na hindi ako makinabang diyan sa… Walang transaction sa gobyerno umaabot sa akin maski sa Defense,” ayon pa kay Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.