NCRPO tinuluyang kasuhan ang blogger na si Drew Olivar matapos ang bomb scare
TINULUYAN ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang blogger na si Drew Olivar matapos na sampahan ng kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) matapos ang bomb scare na kanyang ipinost sa social media.
Matatandaang binatikos si Olivar matapos namang sabihan ang mga nagpoprotesta kaugnay ng paggunita ng martial law na posibleng maranasan ang pambobomba na katulad ng nangyari sa Plaza Miranda noong 1971.
Nauna nang tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na kakasuhan si Olivar sa kabila naman ng paghingi ng sorry.
Idinagdag ni Albayalde na nilabag ni Olivar ang Presidential Decree 1727 na ipinagbabawal ang bomb jokes o pagkakalat ng malisyosong impormasyon kaugnay ng pagpapapasabog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.