Bossing Vic: May kontrata na kami ni Maine, magtatay na kami forever!

September 25,2018
share this

Bossing Vic: May kontrata na kami ni Maine, magtatay na kami forever!

September 25,2018
share this


KAHIT na matagal na silang magkasama sa Eat Bulaga at kahit nakagawa na rin sila ng pelikula, starstruck at kinakabahan pa rin si Maine Mendoza kapag kaeksena si Vic Sotto.

Magsasama sa bagong sitcom ng GMA sina Bossing at Meng, ang Daddy’s Gurl na mapapanood na very soon ng Kapuso viewers kung saan makakasama rin nila ang isa pang Eat Bulaga Dabarkads na si Wally Bayola.

Kung matatandaan, una nang gumanap na magtatay sina Vic at Maine sa phenomenal Kalyeserye ng Eat Bulaga at sa blockbuster hit movie nilang “My Bebe Love: #KiligPaMore” noong 2015.

Sa panayam ng GMA, sinabi ng Dubsmash Queen na regalo raw niya ang Daddy’s Gurl sa kanyang loyal fans na matagal nang nagre-request na gumawa siya ng sitcom.

“As in talagang ihahandog namin sa lahat ng mga nag-iintay ng sitcom talaga para sa akin po and with Bossing, siyempre. Marami rin po kaming makakasama dito, so medyo iba ‘yung timpla nitong sitcom na ‘to,” ani Maine.

Dito rin niya inamin na inaatake pa rin siya ng nerbiyos kapag kaeksena si Bossing, “Ay hindi po talaga mawawala ‘yun pagiging intimated po sa kaniya, kasi si Bossing po yan di ba, Bossing Vic Sotto.

“So, parang kahit man ho sino siguro ang makasama, kahit sino makatrabaho niya parang laging kakabahan talaga kapag may eksena with him,” aniya pa.

Siniguro naman ni Bossing na ibang putahe naman ang ihahain nila sa Daddy’s Gurl, “Maraming bago, just the fact na ibang approach ang ginawa namin dito, para kaming nagsho-shoot ng pelikula. Sabi ko nga kanina, ‘Anong pelikula to?’

“Ito ay sitcom, bagong sitcom namin ni Maine and gusto namin iba from the other sitcoms that I have done before. May ibang characters, may on-location, usually ang mga sitcom ko sa studio.

“Ito 100% location, hanggang Batangas nagsho-shoot kami,” promise pa ng veteran comedian.

Hirit pa nga ni Vic, pang-forever na raw ang pagiging magtatay nila ng Phenomenal Star.

“Nagsimula kami magtatay. AlDub pa lang magtatay na kami, e. Na-feel namin ang isa’t-isa na bagay kami mag-tatay.

“Dito sa sitcom na bago, mag-tatay, ‘Wala na, nagpirmahan na ng kontrata na magtatay na tayo forever!’” chika pa ni Bossing.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending