Soldout Queen: Midas touch ni Maine matindi pa rin

By Jun Nardo September 25,2018
share this

Soldout Queen: Midas touch ni Maine matindi pa rin

By Jun Nardo September 25,2018
share this


SOLDOUT Queen ang tawag ngayong kay Maine Mendoza.

Aba, simula nang ilabas ang kanyang Mac lippie shade sa isang on-line shopping site, naubos agad ang stock sa loob lamang ng isang minuto, huh!

Nang ilabas ito sa Mac stores sa SM Megamall, nataranta naman ang mga sales personnel ng global brand dahil sa dami nang sumugod sa kanilang stall at muli, soldout agad ang nasabing produkto.

Last Sunday ay ibinenta na ito sa lahat ng Mac stores sa buong bansa. Dumagsa ang gustong magkaroon ng unit nito kaya naman maaga pa lamang ay pumila na sila and you guess it right, soldout na naman ang natitira sa inilabas na 20,000 units.

Sa totoo lang, hindi lang fans ni Meng o ‘yung mahilig sa lipstick ang bumili nito kungdi maging ang mga Eat Bulaga Dabarkads at iba pang celebrities.

Tweet ng ilang fans ng Phenomenal Star, umiral na naman ang Midas Touch ni Maine dahil kahit anong produkto na iendorso niya ay kinakagat ng publiko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending