Angelica napatawad na si John Lloyd: Ano, gusto mo ba akong magninang?
DIRETSONG tinanong ni Angelica Panganiban on national television ang ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz kung type nitong kunin siyang ninang ng anak nila ni Ellen Adarna.
Sa guesting ng aktres sa Gandang Gabi Vice last Sunday, ipinagdiinan niyang napatawad na niya si Lloydie sa mga kasalanan nito.
Sa isang segment ng GGV, ipinakita ang litrato ng ilang taong naging bahagi ng kanyang buhay, kabilang na nga rito si John Lloyd.
Hirit ng Kapamilya actress, “Ano, gusto mo ba akong magninang? Kasi mabuti akong ninang.” Inamin din niya na hindi pa sila nag-uusap ng ex-BF pero naka-move on na raw siya sa kanilang break-up.
“Napatawad ko na. Masaya na ako. Masaya ako at wala akong hinihiling kung hindi ang buong buong happiness niya. Talaga. Nilang lahat. ‘Yun lang ang gusto kong mangyari. Sana, ‘yung hiniling niya, nakuha niya talaga,” pahayag pa ni Angelica.
Hanggang ngayon ay hindi pa diretsahang inaamin nina Ellen at John Lloyd ang pagkakaroon nila ng anak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.