Ji Soo ng Strong Girl Bong Soon umeksena uli sa ‘Ping Pong Ball’

UMERE na ang short Korean drama ng isa sa mga bida ng Strong Girl Bong Soo na si Ji Soo na Ping Pong Ball o Takkookong, bilang bahagi ng “JTBC Drama Festa” drama specials.

Gumanap si Ji Soo sa 2-episodes mini drama bilang Kim Young Joon, isang Philosophy major student sa isang university.

Kasama niya rito si Yoo Jae Myung bilang Kim Deuk Hwan, isang misteryosong lalaki na naninirahan sa ilalim ng tulay malapit sa tinitirhang apartment complex ni Young Joon.

Kwento ito ng pagkakaibigan na mabubuo sa pagitan nina Young Joon at Deuk Hwan dahil sa parehong mga pinagdaanan nilang mga pagsubok sa pag-ibig. – Jefferson Betaizar

Read more...