Weightlifting Fairy star Nam Joo Hyuk bibida sa ‘Dazzling’

KOREAN word of the Week: “Yeorobun” – Nangangahulugan ito sa Ingles na “Everyone” o “Everybody”.

q q q

Muling mapapanood ang breakthrough actor na si Nam Joo Hyuk sa bagong Korean drama na Dazzling.

Sumikat nang husto si Joo Hyuk sa seryeng Weightlifting Fairy Kim Bok Joo. Makakasama niya rito ang batikang aktres na si Han Ji Min, sakaling tanggapin niya ang role na inaalok sa kanya.

Ang Dazzling ay kuwento ng isang babaeng matatagpuan ang sarili bilang isang 70-anyos at ang lalaking hindi pinahahalagahan ang bawat minuto ng kanyang buhay.

Maaari ring makasama sa series si Kim Hye Jan ng K-Drama na Dear My Friends na gaganap bilang 70-year old version ng leading lady sakaling tanggapin nito ang role.

Nakatakdang ipalabas ang Dazzling sa unang bahagi ng 2019.

Kamakailan lang ay bumisita si Joo Hyuk sa bansa kasama si Sandara Park. Naging kontrobersyal pa ang Korean actor matapos umanong maharas ng ilang Pinoy fans sa ginanap na fan meet sa Mall of Asia Arena.

Bukod sa Weightlifting Fairy kung saan nakasama ni Joo Hyuk ang kanyang dating girlfriend na si Lee Sung Kyung, bumida rin ang aktor sa Bride of the Water God kasama si Shin Se Kyung.

Samantala, kabilang naman sa mga K-drama ni Ji Min ang katatapos lang na Familiar Wife kasama ang superstar actor na si Ji Sung.– Jefferson Betaizar

Read more...