Dakdak na naman. See you in court! – Paolo Duterte kay Trillanes

HINAMON ni presidential son Paolo Duterte si Sen. Antonio Trillanes IV na patunayan sa korte na sangkot siya sa P6.4 bilyong drug smuggling case.

“Dakdak na naman. See you in court!” sabi ni Paolo.

Ito’y bilang tugon sa plano ni Trillanes na ipatawag si Paolo bilang hostile witness sa imbestigasyon ng Senado kaugnay ng pag-i-smuggling ng droga.

Nauna nang sinabi ni Trillanes na plano niyang ipatawag si Duterte sa pagdinig ng Senado para mapilitan siyang ipakita ang kanyang tattoo na drago at buksan ang kanyang bank account.

Noon Setyembre 19, sinampahan ng batang Duterte ang numero unong kritiko ng kanyang tatay ng liber matapos namang siyang isangkot sa P6.4 bilyong shabu na nakalusot sa Bureau of Customs noong isang taon.

Itinanggi ni Paolo ang akusasyon ni Trillanes.

“Evidently, it was intended to malign, destroy and kill my good name and reputation, locally, nationally and internationally. This is especially so as I am the eldest son of our sitting President,” sabi ni Paolo.

Read more...