Sanya, Derrick nabaliw-baliw sa ginawang sex scene sa loob ng kotse at washing machine

ADIK ka ba sa sex? Ikaw ba yung tipo ng taong mahilig mag-explore pagdating sa iba’t ibang posisyon ng pakikipagtalik?

Yes or no man ang sagot n’yo sa mga tanong na yan, siguradong makaka-relate kayo sa bagong pasabog na pelikula ng Regal Entertainment na pagbibidahan nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez.

Ang tinutukoy namin ay ang sexy-romance film na “Wild And Free” kung saan napasabak sa matitindi at iba’t ibang klase ng love scene ang dalawang Kapuso stars, kabilang na ang nakakalokang sex scene nila sa loob ng kotse.

Ayon kay Sanya, “Hinanda ko na ang sarili ko dito, gustong-gusto ko yung natututo ako and nag-i-improve sa craft ko.” Kaya naman wala na siyang arte kahit na ano ang ipagawa sa kanya ng kanilang direktor na si Connie Macatuno.

“Okay ako kay Derrick kahit anong gawin at pag-usapan namin. Kahit dirty talks I can discuss with him because we are both naughty, we are both wild and free. Matagal na kaming magkakilala at mas nagkakilala pa kami,” dagdag ni Sanya.

Ayon naman kay Derrick, lahat ng ginawa nilang love scene sa pelikula ay lumabas na realistic, “Makikita ninyo sa mga eksena namin sa movie, the love making scenes are so sexy, i think nagawa namin ‘yun together ng maganda.”

Isa sa favorite raw ni Derrick ay ang love making scene nila ni Sanya sa ibabaw ng washing machine, “Hindi ko ma-imagine that normal people do that, tapos ‘yung sa car scene marami raw naka-relate.”

Derrick is just happy to act opposite Sanya in their first daring roles ever, “Sanya has a sexy character, has seductive eyes and is alluring. Tempting talaga because she has a very pretty face and sexy body.

“Siyempre tayong mga lalaki, tinitingnan natin ‘yan. Naaakit tayo sa physical, then susunod na yung character. Na-attract talaga ako. Hindi na ako nahirapan na gawin sa kanya yung mga eksena, kasi nadala ako sa sexy scenes namin,” dugtong pa ng Kapuso hunk actor.

In fairness, gumawa agad ng ingay ang “Wild And Free” sa social media nang ilabas na ang controversial trailer nito. Shookt ang mga netizens sa mga bagong paandar nina Sanya at Derrick.

“Wow ang hot talaga ni Sanya, panuorin ko yan,” ani Arjay de Leon sa Facebook.

“Sanya Lopez! Grabe kaganda. Bagay yung role. Love it. Ganda. Can’t wait panoorin ko talaga ito,” comment naman ni Arra Kim Ignacio Joaquin.

“Ang daring ng dalawa dito. Nabuhay ang dugo ko,” chika ni Gerver Rotoni.

Showing na sa Oct. 10 ang “Wild And Free” directed by Connie Macatuno.

q q q

Hindi magkamayaw ang fans ng Victor Magtanggol at Encantadia dahil sa pagkikita ng mga bida ng GMA fantaserye sa well-loved primetime series ni Alden Richards.

Sa katunayan, kanya-kanya na silang hula sa social media kung paano magtutulungan sina Victor (Alden), Pirena (Glaiza de Castro), Amihan (Kylie Padilla), Alena (Gabbi Garcia) at Danaya (Sanya Lopez) para matalo ang matinding kalaban ni Hammerman.

May nagsasabing bibigyan ng kapangyarihan ng mga diwata ang bagong Pinoy superhero, meron ding nag-iisip na tuturuan ni Hammerman ang mga sang’gre. Kung anuman ‘yon, hindi maikakailang sobrang excitement na ang ibinigay nito sa fans all over the world.

Read more...