Tito Sen baka mauna pang palitan sa Senado kesa sa 'Lupang Hinirang' | Bandera

Tito Sen baka mauna pang palitan sa Senado kesa sa ‘Lupang Hinirang’

Ronnie Carrasco III - September 24, 2018 - 05:41 AM

NOTHING really new in this item.

Bumanat na naman kasi ang nagmamagaling (as opposed to magaling) na si Senate President Tito Sotto, this time impressing upon us his very roots before embarking on a political career.

Kung hindi kami nagkakamali, nakaka-strike 2 na si Sotto shortly after assuming the Senate presidency. Una ay ‘yung tungkol sa panghihipo sa babae na walang masama if done as a joke (na kinontra ng kabaro niyang si Sen. Risa Hontiveros).

Ikalawa ay ito ngang kontrobersiyal na mungkahi niya na baguhin ang huling linya ng ating National Anthem, ang “Lupang Hinirang.”

Both stunts clearly manifest kung sino si Sotto before taking the political plunge, both as a composer and a comedian, na pareho niyang kinaladkad all the way to a respected institution: ang Senado.

However, unlike his audience he has endeared sa pamamagitan ng kanyang mga patawa at awitin, ang pagkadismaya ng mamamayan ay nahahaluan tuloy ng galit alongside a mockery of a supposedly respectacle, revered government official who should be doing his job to alleviate our lives.

Mas mahalaga pa kasi kay Sotto ang revision sa nakamulatan na nating Pambansang Awit, samantalang ang mga Pambansang suliranin escape his serious attention, worse, immediate action.

Buong pasasalamat pa naman ng ating mga mamamayan that upon assumption bilang Senate President ay ipinagpaliban muna ang pagtalakay at pagpa-patupad sa isinusulong na TRAIN Law 2 o Trabaho Bill.

Buong akala ng mga Pinoy na nakahanap sila ng kakampi sa katauhan ng bi-gotilyong mambabatas na haharang sa pagpapairal ng isang batas na lalo nilang ikalulugmok.

Bukod sa tumataas na inflation rate, fundamental question din kung anu-ano pa ang mga pasanin nating lahat na dapat tugunan.

Yet kung ano pa ang mga payak at nagdudumilat na problema ay siyang nakakatakas sa atensiyon ni Sotto. Ang nananahimik na Pambansang Awit ang pinagtitripan niya as though by changing its last line, ang kasunod nito’y ang pagbabago rin ng linya ng bawat Pinoy: “Pahirap nang pahirap ang buhay…haaay!”

Katwiran ng nagpufumeeling na magaling na senador (na kailanma’y hindi ko binilugan o isinulat ang pangalan sa balota), naglalaman o nagpapahiwatig daw ang last line ng Pambansang Awit ng “defeatist attitude.”

Ng pagkatalo o pagsuko.

Napaka-literal naman pala kung ganu’n ang pagkaka-interpret ni Sotto sa linyang “ang mamatay nang dahil sa ‘yo.” Aside from his literal grasp ay kinakikitaan din ito ng kakitiran ng utak. Idagdag pa ang kanyang distorted sense of history.

When Ninoy Aquino returned from exile in 1983, batid niya na kamatayan ang sasalubong sa kanyang pag-uwi. Yet he came home and true enough, fatal bullets were the ones which welcomed him.

Neither was it a sign of surrender nor of defeat, kundi isang kahanga-hangang pag-aalay ng buhay para sa Pilipino, including Sotto. Ang sabihin kasi ni Sotto, mabibilang na lang kasi sa daliri ang mga tulad niyang opisyal na handang magbuwis ng buhay alang-alang sa kanilang pagmamahal sa bayan.

Kay Sotto nanggaling ang proposal ng pagpapalit, right? Mas gugustuhin yata ng mga Pinoy na mauna siyang mapalitan.

q q q

Samantala, obyus na non-participatory si Ali Sotto in the discussion tungkol sa mungkahi ng kanyang former bayaw na si Tito Sotto on her DZBB morning radio program along with Arnold Clavio and Joel Reyes Zobel.

Pero ang tinututukan din ng mga political observers ay hindi lang ang tungkol sa Pambansang Awit whose last line Sotto wants changed. Tanong ng bayan: kinakanlong nga ba ni Sotto ang kabaro niyang si Sen. Antonio Trillanes giving the latter custody under the senatorial roof?

Maging ang mga kasamahan kasing mistah ni Trillanes, most especially a department undersecretary, has sworn in his complaint na pinamumunuan ng senador ang pag-aaklas (inciting to sedition) laban sa gobyerno among military men.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nais pa nga raw ng mga kapwa PMA alumni ni Trillanes na tanggalin ito sa roster ng kanilang asosasyon as he’s a disgrace to the institution.

Where is Sotto in the middle of this? And yes, where is Ali sa mga ganitong usapin where her two cents’ take on this our kababayans want heard?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending