YFSF Kids contestant scholar ni Coach Lea

By Ervin Santiago September 24,2018
share this

YFSF Kids contestant scholar ni Coach Lea

By Ervin Santiago September 24,2018
share this

SA nakaraang cast and staff party ng “Rainbow Sunset”, nakachika naman namin ang child actor-singer na si Noel Comia, Jr. na isa sa mga batang tampok sa bagong movie ni Direk Joel na posibleng makasama sa Magic 8 ng 2018 MMFF.

Nakilala si Noel sa The Voice Kids noong 2016 kung saan napasama siya sa Team Lea Salonga at mas umingay pa ang pangalan niya sa pagiging celebrity contestant sa Your Face Sounds Familiar Kids Season 2. Siya rin ang youngest Best Actor sa Cinemalaya Film Festival (2017) para sa pelikulang “Kiko Boksingero”.

Wish ni Noel na magtuluy-tuloy na ang kanyang showbiz career dahil seryoso raw siya sa kanyang ginagawa pero nangako rin siya na hindi siya titigil sa pag-aaral kahit na busy na sa showbiz.
Dito nga niya naikuwento na scholar siya ni Coach Lea sa O.B. Montessori Center, Greenhills. Lahat daw ng gastos niya sa school ay sagot ng international singer. Grade 8 na siya ngayon.

Sa “Rainbow’s Sunset” gaganap si Noel bilang anak ni Aiko, “It’s about my lolo, who is a senator. There will be issues about him, like he is gay. Then me, as his apo, I will do my best to protect his dignity.”
s ang pahinang ito para sa paliwanag ni Raquel tungkol sa mga pahayag ng anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending