Jake Zyrus ibinandera ang pang-aabuso ng ina, tinawag na ‘evil queen’

By Ervin Santiago September 24,2018
share this

Jake Zyrus ibinandera ang pang-aabuso ng ina, tinawag na ‘evil queen’

By Ervin Santiago September 24,2018
share this

JAKE ZYRUS

USAP-USAPAN ngayon ang mga pasabog ni Jake Zyrus sa kanyang librong “I Am Jake.” Isa na riyan ang pagdedetalye niya sa pang-aabuso diumano ng kanyang inang si Raquel Pempengco.

Sa Chapter 2 ng kanyang biography na may titulong “Mommy Dearest,” ikinuwento ni Jake kung paano ang naging buhay niya sa piling ng ina noong lumalaki siya. “Here’s the sad truth: I don’t know my own mother,” ang bahagi ng pahayag ng transman singer.

“Mommy often hit me on the head with her high heels. This is the reason why my scalp is covered with scars that have formed bumps and valleys on my head,” sabi pa ni Jake.

Pero kahit na binansagan niya noong “evil queen” ang ina, “I can’t bring myself to totally hate my mother because despite her darkness, there is some light in her. Her good side needs certain conditions to come out, though.”

Balitang hindi nagustuhan ni Raquel ang paglabas ng libro ng anak at tinawag pa itong siraulo, wala na raw sa sariling katinuan si Jake.

Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ni Raquel tungkol sa mga pahayag ng anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending