Jackpot sa Ultra Lotto 6/58 aabot na ng P.7B

INAASAHANG aabot na sa P700 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola bukas ng gabi (Linggo).

Hindi pa rin napanalunan ang winning number combination na 06-47-41-55-28-10 sa bola Biyernes ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office. Umabot sa P679.4 milyon ang jackpot prize nito.

Pebrero 18 pa walang tumatama sa jackpot prize ng Ultra Lotto.

Nanalo naman ng tig-P230,020 ang 31 mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero.

Nagkakahalaga naman ng P2,180 ang tinamaan ng 2,616 mananaya na nakaapat na numero. Nanalo naman ng P20 ang 71,018 mananaya na nakatatlong numero.

Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Read more...