Kaya nababahala si Kabayan Rep. Ron Salo sa paglaki ng bilang ng mga edad 50 pataas na mayroong HIV na umabot na sa 166 mula Enero hanggang Hulyo ng taon.
Sa unang pitong buwan ng 2018 ay 6,532 katao na ang nagpositibo sa HIV.
“Ibayong tulong at kalinga ang kailangan nila,” ani Salo, isa sa mga may-akda ng panukalang Philippine HIV-AIDS Policy Act sa Kamara de Representantes. Sa 166 na nagpositibo noong Hulyo apat ang overseas Filipino workers—dalawang lalaki at dalawang babae.
“65-years-old na babaeng OFW ang pinakamatandang may HIV. Aalamin ko sa DOH ang lagay niya upang matulungan ko sa pagpapagamot,” ani Salo.
Sinabi ni Salo na nangangailangan ng ibayong tulong ang senior citizen na mayroong HIV-AIDS.
“They should be enjoying retirement and old age with the grandchildren, not dealing with HIV-AIDS, so DOH should be extra sensitive with their senior patients undergoing treatment and counseling,” saad ng solon.
Mula Enero 1984 hanggang Hulyo 2018, umabot na sa 57,134 katao ang nagpositibo sa HIV. Inaasahan na mas mataas ang bilang na ito dahil hindi naman lahat ay nagpapa-HIV test.