Claudine, Ate Vi nag-reunion sa Batangas


NATUWA at nag-throwback ang mga fans ni Claudine Barretto at mga Vilmanians nang kumalat ang litrato ng dalawang aktres sa social media.

Nagkita sina Claudine at Ate Vi sa Lipa, Batangas kamakailan at doon nga nila ni-recreate ang litrato nila na ginamit sa poster ng kanilang classic movie na “Anak” na ipinalabas nong 2000.

Ipinost ni Claudine sa kanyang Instagram account ang mga kuha nila ni Ate Vi na may caption na, “Spending time with my Nanay IDOL. I love you so much Ate Vi!!!”

Narito ang ilan sa mga comments ng followers ni Claudine. Ayon kay @carapatan86, “I hope u can make a movie together again. si claudine jr version of ms. Vilma.”

Sabi naman ni @cleo_queencleopatra, “Movie na Yan ms. Clau! Matagal tagal na akong di nakakapanood ng mga batikang actress na magsama sa isang movie eh.”

Read more...