Wala pang BF

Sulat mula kay Lanie ng Barangay San Rafael, Tacurong City
Dear Sir Greenfield,
Malapit na po ang birthday ko.  Ang problema, 33-anyos na ako at wala pa ring boyfriend. Maganda naman ang trabaho ko, pero bakit kaya sa love life parang malas ako? Hindi tulad ng ibang mga friends ko may mga asawa na at iyong iba ay may mga anak na, samantalang ako still single pa rin. Naisipan kong sumangguni sa inyo, para malaman ko kung magkapag-aasawa pa kaya ako at kung may lalaking itinakda sa akin ang kapalaran.  Kailan naman kaya siya darating? Sa palagay ninyo Sir Greenfield, magkaka-boyfriend kaya ako bago man lang sumapit ang birthday ko?
Umaasa,
Lanie ng Barangay San Rafael, Tacurong City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Gumuhit naman ng malinaw ang kaisa-isang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad, kahit medyo na late o nahuli ang pagdating nito. Ganon paman, ibig sabihin, kahit na 33 years old ka na, hindi ka dapat mabahala o kabahan, dahil siguradong sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, magkakaboyfriend ka at makapag-aasawa.
Cartomancy:
“Mayaman, mabait, at nakapag-aral ang lalaking magiging boyfriend mo”. Ito ang nais sabihin ng Five of Diamonds, Four of Diamonds at Nine of Diamonds, kung saan, ang nasabing lalaki ay makikilala mo sa isang paglalakbay, maaari sa eroplano, sa bus o kaya’y sa barko.Itutuloy

Read more...