MayWard may pa-surprise sa pagtatapos ng Wansa | Bandera

MayWard may pa-surprise sa pagtatapos ng Wansa

|September 22,2018
facebook
share this

MayWard may pa-surprise sa pagtatapos ng Wansa

- September 22, 2018 - 10:06 AM


MULING  masusubukan ang tapang ni Espie (Maymay Entrata) para sa kanyang mga mahal sa buhay sa pagbabalik ng mga kalabang maglalagay sa kapahamakan ng kanyang pamilya at sa kaluluwa ni Vincent (Edward Barber) sa pagtatapos ng Wansapanataym Presents: Ikaw ang GHOSTo Ko.

Manunumbalik nga ang pangamba sa puso ni Espie ngayong dumating na ang angel of death na magtatawid kina Pidyong (Jojit Lorenzo) at Casper (Neil Coleta) sa kabilang buhay. Posible namang madamay dito si Vincent ngayong mawawala din siya sabay ng ibang kaluluwa, na maaaring humantong naman sa tuluyan niyang kamatayan.

Ngunit isa pang dagok ang haharapin ni Espie dahil makakatakas si Charlie (Luis Hontiveros) sa kulungan at susugurin ang dalaga upang makapaghiganti. Magreresulta naman ito sa isang trahedya dahil masasaksak ng kalaban ang nanay ni Espie at ilalagay ito sa bingit ng kamatayan.

Paano nga kaya malalampasan ni Espie ang mga pagsubok na ito? Matupad pa kaya nila ni Vincent ang kanilang mga pangako sa isa’t isa?

Panoorin ang mga eksenang kapupulutan ng aral sa Wansapanataym Presents: Ikaw ang GHOSTo ko sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending