Grace Poe kontrabida o kakampi ng Team Duterte?


TANONG: On which side of the political fence is Sen. Grace Poe?

Baka sa item na ito’y mahanap natin ang sagot.

Ilang segundo lang ang running time ng excerpts ng speech ng senadora which she delivered during a graduation ceremony ng kung anong paaralan, posted on Facebook.

Bahagi siyempre ng anumang talumpati sa mga ganu’ng okasyon ay ipaunawa sa mga magsisipagtapos ang kahalagahan ng edukasyon. Making the graduates understand the value of education came with Poe’s advice to take good care of their diplomas.

Words to this effect na sey ng mambabatas: “Ingatan n’yo ang diploma n’yo, huwag n’yong iwawala. Dito pa naman sa ating bansa, kapag nawala ang isang mahalagang dokumento, invalid…parang amnesty,” sabay pakawala ng makahulugang ngiti na obyus namang ang pinatutungkulan niya’y ang amnestiya ng kanyang kabarong si Sen. Antonio Trillanes na nais i-revoke ng Duterte administration.

Komento tuloy ng aming kababata whose comment served as the video heading, hindi raw dapat inihahalintulad ang diploma sa dokumentong magpapatunay na nag-apply at pinirmahan ang amnesty records ni Trillanes.

Kapag nawala kasi o na-misplace ang diploma’y maaari itong i-replace. Kaya ang payo ng netizen, mag-isip-isip daw muna si Poe ng aangkop na analogy.

Iba naman ang nasa isip namin.

Sa himig kasi ng tinuran ni Poe ay parang hindi siya pabor na ipawalang-bisa ang ipinagkaloob na amnesty kay Trillanes noong panahon ni P-Noy. So, does it make her anti-Duterte?

Pero sa kumakalat na senatorial lineup na pambato ng administration ay kabilang si Poe.

So, nagbago na ang kulay ng lady solon?

Read more...