Umabot sa 64 ang naitalang bilang ng mga nasawi sa lalawigan pa lamang ng Benguet, batay sa tala ng Cordillera regional police, Biyernes ng hapon.
Sa naturang bilang, 59 ang mula sa Itogon, kung saan matatandaang may bunkhouse na natabunan ng gumuhong lupa.
Pito sa 59 ang di pa kilala. Di bababa sa 42 pa katao ang naitalang nawawala sa naturang bayan.
Tatlo naman ang nasawi sa bayan ng La Trinidad, isa sa bayan ng Tuba, at isa sa Bokod.
Umakyat naman sa 12 ang bilang ng nasawi sa Baguio City habang nanatili sa anim ang sa Mountain Province at isa sa Kalinga.
Dahil dito, may kabuuan nang 83 ang nasawi sa Cordillera, karamihan dahil sa mga pagguho ng lupa.
Inulat ng National Police Biyernes ng umaga na nanatili sa 15 ang bilang ng nasawi sa Ilocos region (1), Cagayan Valley (10), Central Luzon (3), at Metro Manila (2).
Bukod sa mga nawawala sa Benguet ay may tatlo pang nawawala sa Baguio.
May kabuuang 42 katao naman ang nasugatan sa Apayao, Baguio, Benguet, Ifugao, Kalinga, at Mountain province.