Keri na ba ni Alden Richards na maging Gary V Jr.?

ALDEN RICHARDS

Ngayong araw na ito na magaganap ang second major concert ni Alden Richards, ang “Adrenalin Rush”, sa KIA Theater sa Cubao. Hands on ang Pambansang Bae sa concert niyang ito at umaasa siyang maa-achieve ang ala-Gary Valenciano status bilang isang total concert performer, huh!

Of course, no one can equal Gary’s feat bilang total concert performer dahil kumakanta na siya, nagsasayaw at tumutugtog pa ng musical instruments, huh!
Eh, intense ang ipakikitang production numbers ni Alden ngayong gabi kaya malay natin, ito na ang tamang panahon para tawagin siyang Gary V, Jr.!

Ang special guests ni Alden tonight ay sina Regine Velasquez-Alcasid, Betong Sumaya, Rodjun Cruz, One Up, Ex Battalion at si Ai Ai delas Alas.

Nakakabilib nga si Alden dahil kahit halos araw-araw ang taping nila para sa Kapuso primetime series na Victor Magtanggol ay nagagawa pa rin niya ang maging hands on sa kanyang concert.

At wala siyang reklamo kahit na halos wala na siyang tulog at pahinga sa kalalagare sa kanyang commitments dahil ang iniisip niya ay ang mapasaya ang kanyang mga fans.

Read more...