LUTANG na lutang ang ganda ni Aiko Melendez sa latest pictorial niya para sa filmfest hopeful na “Rainbow Sunset” mula sa Heaven’s Best Entertainment.
Kitang-kita sa mga mata niya na in love na in love siya sa bago niyang boyfriend, huh!
Ginamit ni Aiko na profile picture ang pictorial niyang ‘yon sa Facebook account. Kaya naman maraming nabighani sa byuti niya at may gusto pang magpa-add sa kanya bilang friend.
‘Yun nga lang, nawindang ang aktres nang masilip niya ang profile photo ng netizen – isang Pokemon!
Hirit tuloy ni Aiko, “Me nag-add sa akin sa facebook, cartoon character ang profile picture niya. Di pa nakuntento nag-msg sa PM. ‘Parang awa mo na Ms. Aiko, idol ko po kayo. Gusto kong maging friends tayo.’
“Paano ako magiging friends naman ke Pokemon? Feeling ko while reading your msg it’s like im chatting with Pokemon. Pls understand that before I accept any request here, I really check your profile pic muna then kung me common friends ba tayo.
“Kasi kung nung in-add nyo ako normal na mukha ko ang asa profile pic di ba? Sayang I deleted my pokemon app sa phone. Eh di sana nakahuli ako ng pokemon today.”
Anyway, isa sa filmfest hopefuls ang “Rainbow Sunset” film ni Aiko na idinirek ni Joel Lamangan. Tapos na ito at nasa post production stage na dahil ihahabol nga sa Sept. 21 deadline para sa natitirang apat na slots sa walong official entries.
Sa movie, nakipagsabayan ang aktres sa paramihan ng pag-ubos ng luha sa mga child and teen actors na bahagi rin ng pelikula. Isa na nga riyan ang babaeng anak nina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista.