Mega may patama sa walang kwentang tao

SHARON CUNETA

MAY bago na namang hugot si Megastar Sharon Cuneta. Nagsisisi raw siya na minahal ang isang taong hindi naman marunong magpakatotoo.

Sa kanyang Instagram, nag-post si Mega ng isang quote card kung saan pinatamaan niya ang mga taong pinag-aksayahan lang daw niya ng panahon.

“I don’t regret my past. I just regret the time I have wasted with the wrong people,” mensahe ng singer-actress.

Isang follower ni Sharon ang nagtanong ng “Madami po ba?” Na sinagot naman niya ng, “Yung iba at least totoo. ISA LAAAANG ANG FEELING KO HINDI.”

Ang hula ng mga netizens, ang taong tinutukoy ni Mega ay ang ex-husband niyang si Gabby Concepcion na siyang itinuturong dahilan kung bakit hindi na natuloy ang reunion movie nila.

May nag-comment din na ito marahil ang sagot ni Sharon sa sinabi diumano ni Gabby na willing siyang maka-duet si Mega kahit na may tampuhan sila.

Sa guesting ni Sharon sa Gandang Gabi Vice kamakailan ay inamin niyang hanggang ngayon ay nagtataka siya kung bakit nagkaroon sila uli ng hindi pagkakaunawaan ni Gabby, inakala raw kasi niyang okay na ang lahat.

Read more...