Andi nilait ng bashers: Mukha ka nang maninisid ng tahong!

ANDI EIGENMANN

“Mukha ka nang maninisid ng tahong!” ‘Yan ang komento ng isang basher sa litratong ipinost ni Andi Eigenmann sa kanyang Instagram. Naka-swimsuit ang aktres sa nasabing photo habang nakaupo malapit sa beach.

Sabi ng isa pang netizen (@iamsonaima), “Hala bakit ganyan na gurl? Beauty won’t last good luck na lang sa career at lablife mo.”

Magkakasunod na reply ni Andi, “Masaya ako maging kamukha nila (maninisid ng tahong) kesa naman maging kamukha ko ikaw.”

“Outer beauty doesn’t last nga, kaya dapat wag yun ang pag-aksayan ng lahat ng panahon.

“It saddens me how there are people as shallow as you who think that it’s a waste to focus on more important things than the way we look.”

Matagal-tagal na ring wala sa showbiz si Andi dahil mas pinili niyang mamuhay ng simple sa isang lugar sa Baler, Aurora. Ipinagdiinan pa niya na inaalagaan din siya ng kanyang boyfriend na si Philmar Alipayo na isang surfer.

Read more...