Stags wagi sa Heavy Bombers

Games Friday

(Filoil Flying V Centre, San Juan)

12 nn. CSJL vs MU

2 p.m. CSB vs AU

4 p.m. UPHSD vs LPUBINUHAT ni Allyn Bulanadi ang San Sebastian College sa pagbigo nito sa Jose Rizal University, 82-75, kahapon sa 94th NCAA basketball tournament sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.

Umiskor si Bulanadi ng career-high 27 points kabilang ang 10 sa first quarter kung saan lumamang ng 23-9 ang Stags at walo sa fourth period kung kailan napigilan ng San Sebastian ang matinding paghahabol sa JRU.
Ito ang ikatlong sunod na panalo para sa Stags na umangat sa 4-9 kartada. Ang Heavy Bombers naman ay bumagsak sa 2-11 baraha.—Angelito Oredo

Read more...