Wish ni Bryan kay Bong: Makalaya na sa b-day niya!

BRYAN AT BONG REVILLA

HINDI pinagsisihan ni Bryan Revilla ang pagpasok sa politika ng kanyang ama, si dating Sen. Bong Revlla Jr. Naniniwala si Bryan na may plano ang Diyos para sa kanilang pamilya.

“So, regret-wise, no,” sambit ni Bryan. “I think, in life we are all bound with the decision that we make. Kailangan mo talaga panindigan ‘yan. Kung ito ang nangyayari sa family namin ngayon and we will face this in court. Maninindigan kami sa tama,” paliwanag ng binata.

Wish ni Bryan ay makalabas na si Sen. Bong before his birthday at mapanood ang pelikula nila ng mga kapatid niyang sina Cavite Vice-Governor Jolo Revilla at Luigi, ang action-packed trilogy film na “Tres” from Imus Productions at iri-release ng Star Cinema sa mga sinehan sa Okt. 3.

Nagkikita naman daw sila ng kanyang Papa Bong every week. At napag-uusapan din daw nila ang tungkol sa movie nila. Napaka-metikuloso raw ni Bong kapag nagbibigay ng idea or advice sa mga eksena nila sa “Tres.”

“Si Papa mas stage father kesa kay Mama. Iba ‘yun. My Dad will tease my mom. Aasarin niya si Mama na, ‘Uy, ‘yung pagka-stage mother mo, huh!’ Pero in reality, siya ‘yung stage father,” sabay tawa ni Bryan.

Bida si Bryan sa episode na “Virgo” na idinirek ni Richard Somes. Habang si VG Jolo naman ang bibida sa “72 Hours” at si Luigi naman sa “Amats” na parehong idinirek ni Dondon Santos.

May nagsasabi na among the three Revilla siblings si Bryan ang pinakamahusay umarte. And yet, he’s been tagged as a reluctant actor ng ibang taga-showbiz.

“Well, mahiyain ako, that’s one. I’m very shy. So, minsan kapag sa harap ng kamera minsan nadyadyahe ako. To think na nasa showbiz ang family namin, medyo weird nga. Acting has a special place in my heart. Kahit na I haven’t done it for the last 10 years.

“But then again, I was given a chance to do it. And now, it’s just a reminder na parang I’m missing out something that I really want to do. And now, I’m doing this again, parang nabuhay ulit ‘yun,” lahad niya.
Parehong nagkabugan sa pagpapaganda ng kanilang katawan ang magkakapatid. Lahat sila’y nag-diet at kung may tatanghaling “biggest loser” sa kanila, si Bryan daw ang winner.

“Sana nga pinagpustahan namin, e, ako sana ang nanalo. From 230 (lbs) ang weight ko, ngayon 160 na lang. Discipline talaga. Pero si Jolo, palaban din, e,” aniya.

Kapag nagkakasama raw silang magkakapatid, they talk anything under the sun including their lovelife, “Sa table kapag kumakain kami kapag mahina ang loob mo, mapipikon ka. So, lahat kami sanay na. ‘Yung tatay ko number one alaskador ‘yun, e,” natatawang kwento ni Bryan.

Madalas tintukso raw si Bryan ng mga kapatid, ang tanda-tanda na raw niya pero wala pa ring girlfriend, “At least, wala pa akong responsibilidad na ganyan. Ha-hahaha! I have my freedom. So, enjoy. Si Jolo iba naman ‘yung case niya. He has his son already. Gab is a very good kid.”

Lagi raw niyang sinasabi sa mga kapatid to do the right thing, “Kung ano sa tingin mo ang tama, panindigan mo. Then, with regards sa lovelife, like si Luigi ikinasal na rin, I told him na there are certain things na, for example with reagrds to getting married, if you feel na this is the one na talaga, huwag mo nang pakawalan. Kasi ako, nagkamali na ako dati.”

Ang tinutukoy ni Bryan ay ang tungkol sa non-showbiz girlfriend niya na muntik na niyang pakasalan. Right now, he’s just waiting for the right person to come.

Read more...