Krissie sumabak agad sa trabaho pagkatapos ng wellness vacation

BIHIRANG manood ng mga concert si Kris Aquino base sa pagkakatanda namin.

Pero sa nalalapit na shows nina Erik Santos at Sharon Cuneta ay talagang pina-block off na niya ang mga petsang Set. 22 at Set. 28 para mapanood sila sa MOA Arena at Araneta Coliseum.

Balik-trabaho na ulit si Kris pagkatapos ng mahigit dalawang linggong wellness vacation sa ibang bansa kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby.

Nag-post si Kris sa kanyang Instagram account ng isang video kung saan mapapanood ang selected albums nina Erik at Sharon.

“(Edited this video, thanks Abbie & Ernan for the additional visuals.) I’m getting ready to go to my TVC shoot – back to work. (we fixed my calendar so I’d have maximum 10-hour work days w/ a day off after every 4 days of work.)

“BUT, I specifically asked for Saturday, September 22, and Friday, September 28 to be blocked off. @alvingagui bought tickets for us to be able to watch @eriksantos 15th anniversary concert & @reallysharoncuneta’s 40th anniversary concert.

“Very proud to be able to support both of them! I’m not allowed to mention what I’m shooting today BUT I hope they realize how grateful I am they waited 3 weeks for me to be HEALTHY for me to be at my best. Their patience, support, and understanding is much appreciated!” caption ni Kris sa IG video.

Kaibigan at kasama ni Kris si Erik sa Cornerstone Entertainment na pinamamahalaan ni Erickson Raymundo at talagang susuportahan daw niya ang “My Greatest Moments 15th Anniversary Concert” ng binata.

Super ate at naging tagapagtanggol naman ni Kris si Sharon sa mga bashers na lumait sa kanya sa maliit nitong role sa “Crazy Rich Asians” kaya hinding-hindi niya ito makakalimutan at higit sa lahat, paborito rin niya itong singer kaya hindi niya palalampasin ang “My 40 Years” concert ni Mega.

As of now ay abala si Kris sa shoot ng bagong brand partner niya na hindi pa puwedeng banggitin at masaya rin siya sa sobrang lakas ng benta ng Snail White Whipp Soap mula sa Thailand na “word of mouth” ngayon ng netizens dahil simula nang i-post ito ng kilalang social media influencer ay nag-orderan na lahat sa online at nagka-ubusan na raw pero nagawan naman na ito ng paraan na ma-accommodate lahat ng orders.

Mabibili na ulit ang nasabing produkto sa Shopee at Lazada online, ayon kay Kris.

Read more...