Bossing Vic: Kahit naman ako member ng fan club ni Tali!


PROUD parents sina Vic Sotto at Pauleen Luna dahil napakaraming napapasaya ng kanilang anak na si Talitha Maria Luna-Sotto o Baby Tali.

Sa panayam ng GMA kay Bossing, masaya sila ni Poleng dahil bata pa lang ay nagpapasabog na ng good vibes ang kanilang anak sa social media dahil nga sa mga cute na cute at nakakagigil na mga photos at videos niya.

“Kahit naman ako member ako ng fan club niya. Fan ako ni Tali kasi, lalo na pag wala ako sa bahay pinapadalhan ako ng picture o video ng mama niya parang nakakawala ng pagod.

“Ang nakakatuwa naman marami siyang napapa-smile na tao dahil sa litrato at video niya. Nakaka-good vibes daw, nakakatuwa naman,” sabi pa ni Bossing.

Read more...