Phillip Salvador nakuha na ang tiwala ni Duterte, totoo bang may espesyal na trabaho sa Palasyo? | Bandera

Phillip Salvador nakuha na ang tiwala ni Duterte, totoo bang may espesyal na trabaho sa Palasyo?

Ronnie Carrasco III - September 20, 2018 - 12:40 AM

ISA si Phillip Salvador sa tatlong personalidad to have recently joined the PDP-Laban.

Isa sa kanila ang maugong na tatakbo sa next year’s elections, si dating PNP Chief Bato dela Rosa.

Reports said na hindi naman daw porke umanib si Kuya Ipe sa nasabing partido ay may balak siyang kumandidato (uli).

Medyo nasubaybayan namin ang binuong political dream ni Kuya Ipe na bahagyang nakaagaw ng kanyang atensiyon at panahon sa kanyang showbiz career.

Looking back, unang nakipagsapalaran si Kuya Ipe when he ran (yet lost) sa pagka-Vice Mayor ng Mandaluyong City. Many years later, sa Pasay City naman siya nagbalak tumakbo. Rehistrado raw siya—we were told—sa parteng Pildera malapit sa airport.

For some reason, hindi ‘yon natuloy.

Next thing was—and this was more than two years ago—ay pagka-Vice Governor na ng Bulacan ang kanyang target but he lost to Daniel Fernando.

Having seen him raise his right hand bilang kabahagi ng PDP-Laban, one couldn’t help but ask: ano naman kayang posisyon ang nais sungkitin ng aktor? At saan kung saka-sakali?

A political also-ran, sa ngayon ay parang aktibo na rin si Kuya Ipe sa pulitika, proxying for President Rodrigo Duterte in certain functions kung hindi makakadalo ang huli. Hindi namin alam ang official designation na ibinigay ng Malacañang kay Kuya Ipe—if any—but he has gained the President’s trust.

Wanna bet (no pun intended)?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending