POSIBLENG maging bagyo ang isang low pressure area (LPA) sakalingvpumasok sa Philippine Area of Responsibility sa Biyernes o Sabado.
Sinabi Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang LPA ay posibleng maging bagyo bago pumasok sa PAR.
Umuusad ang LPA paitaas kaya maaaring ang maapektuhan nito ay ang mga probinsya sa hilagang Luzon, ang kaparehong mga lugar na sinalanta ng bagyong Ompong.
Kung papasok sa PAR inaasahan na palalakasin nito ang Hanging Habagat na magdudulot ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
MOST READ
LATEST STORIES