Claudine umayaw na sa pelikula nila ni Mark Anthony


NAUNSIYAMI ang pag-asa ng mga tagasuporta ni Claudine Barretto na magbabalik na siya sa pag-arte.

Asang-asa ang kanyang mga fans na konting-konting panahon na lang at magpapakaaktibo na ang kanilang idolo pero bigla namang naudlot ‘yun.

Ang kuwento nu’n ay madalas na sa gym ang magandang aktres para sa pagbabawas niya ng timbang, may mga retrato pa nga siyang inilalabas sa kanyang account na konting-konti na lang at makukuha na niya ang weight na inaasinta niya, pero ano nga ba ang nangyari?

Ayon sa mga nakakaalam tungkol sa plano ay hindi na tuloy ang pelikulang pagtatambalan nila ni Mark Anthony Fernandez. Tuloy pa rin daw ang paggawa ng proyekto pero hindi na si Claudine ang gaganap bilang bidang babae.

Ang pinakahuling balita ay nagpapa-release na si Claudine Barretto sa produksiyong gagawa ng pelikula, pero mukhang malaking halaga muna ang kailangan niyang ibalik, dahil malaki-laki na rin pala ang nakukuha niyang advance sa produksiyon.

Sayang na oportunidad, ‘yun na sana ang magiging daan sa pagbabalik ni Claudine Barretto, pero nagkaproblema pa.

Read more...