“EXCUSE me. Padaan.” ‘Yan ang caption ni Julia Barretto sa recent photo niya which she posted sa kanyang Instagram account.
Dami nag-react, pero mas nakakalula ang dami ng views, 217,713 to be exact. Imagine, mahigit 200,000 ang naka-view sa photo na ‘yun?
At sa comment section, walang nam-bash sa mala-dyosang kagandahan ni Julia sa picture. Lahat sila samba sa kagandahan ng Ngayon At Kailanman star.
“Ito yung makiki excuse lang sya pero nakakainsecure na. hahahaha! tas marerealize mo na san ka ba nung naghagis ng kagandahan ang Diyos! Ganda mo babe.”
“JULIAAA! SOBRANG DI AKO MAKAMOVE ON SA LAST PART ON TONIGHT’S EPISODE ng NAK! I JUST WANT TO SAY THANK YOU FOR ADDING HAPPINESS TO MY LIFE! SOBANG UMAAPAW NA NAMAN YUNG JOSHLIA HEART KO.”
“Ayy dyosa talaga nya. lagi kong inaabangan sa ngayon at kailanman.”
Incidentally, sa Ngayon At Kailanman ay inamin na ni Eva (Julia) kay Ino (Joshua Garcia) na binayaran siya ni Oliver (Jameson Blake) para magpanggap na girlfriend niya.