Job hiring sa BPO, sales, food service at iba pa

NAGTALA ang PhilJobNet, ang internet-based job and applicant matching system ng labor department, ng mataas na pangangailangan para sa manggagawa sa business process outsourcing (BPO), sales, at food service industry.

Sa ulat mula sa Bureau of Local Employment (BLE), may 4,616 bakante sa sales sector; 4,173 bakante sa BPO sector, partikular para sa call center agent; at 835 bakante sa food service industry.

Kabilang sa mga bakanteng posisyon sa sales sector ay para sa promo salesperson (1,588), customer service assistant (666), cashier (409), retail/wholesale establishment salesperson (325), sales associate professional (291), retail trade salesman (254), market salesperson (245), sales clerk (220), salesman (218), stall salesperson (200), at real estate salesman (200).

May mga bakante rin para sa service crew–380, cook–231, at food server–224.

Samantala, nagtala ang PhilJobNet ng pangangailangan para sa kasambahay na may 644 bakante, staff nurse na may 476 bakante, construction laborer na may 404 bakante, bagger na may 225 bakante, at karpintero na may 204 bakante.

Para sa karagdagang bakanteng trabaho at iba pang serbisyong pang-empleyo, maaaring tingnan ng mga aplikante at employer ang https://philjobnet.gov.ph.

Maaari ring bumisita sa Bureau of Local Employment sa 6th Floor, BF Condominium cor. Solana at Soriano sts., Intramuros Manila. Maaari rin silang tumawag sa PhilJobNet Hotline sa numero bilang (632) 527-2543 Fax: (632) 527-2421.

Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Read more...