TULOY pa rin ang war of the roses drama ng mag-inang Jenine Desiderio at Janella Salvador.
Umarya si Jenine and made public her rants against her daughter dahil mas kinampihan pa nito ang kanilang driver. Not surprisingly, na-bash si Jenine.
“Kawawa naman si idol Janella puro negative na lng ang post ng nanay nya. ano bayan ina mismo nagpapahina ng career ng anak. just saying magbati na po kayo kasi mag nanay kayo para palakihin pa ang gulo!”
“SIYA mismo sumisira sa career ni Janella sa kakaputak sa social media. So sino maniniwala sa u? Matagal mo ng sinisiraan sarili mong anak. Kulang ba binibigay sa u?”
“Etong nanay na to lagi na lang nagpopost ng something against her daughter. La ka bang friend?”
“Awww napaka simple lng niyan mas kapanipaniwala ang driver kesa sayu hahahahaha.”
Pero may isang nagtanggol naman kay Jenine and said, “Mga tao talaga pag pinagtakpan ni Jenine sasabihin kunsintidor. ewan, maraming nanay pinagtakpan mga kalokuhan ng mga anak pinuri nyu ba? Sana d mangyari sa inyo na experience nya sa anak nya.”