PROUD dad si Epy Quizon when he mentioned to us na nagbayad na siya ng last tuition fee for his son na si Sandro. Nag-aaral si Sandro sa College of St. Benilde sa kursong Multimedia Arts. Habang ang kanyang 13 year old daughter na si Misha ay napakahusay daw magsayaw.
“Alam mo, sa dance steps, nasa tone na siya. My daughter Misha is taking up ballet, modern at saka dance street na steps,” sey ni Epy.
Anak ni Epy si Misha sa misis niyang si Maria del Rosario. At anak naman niya si Sandro sa kanyang ex-girlfriend. Tinanong namin siya na baka may iba pa siyang anak. “Dalawa lang ang alam ko,” sabay tawa niya.
Kasama si Epy sa pelikulang “Alimuong” na isa sa anim na official entries sa TOFARM Film Festival directed by Keith Sicat.
“First time ko magka-movie sa TOFARM. Tinawagan ako personally ni Direk Keith. They wanted someone who can play the head of the Ministry of Agriculture na medyo may pagka-authoritarian, bosing, ganoon. So in the film ako ’yung pinaka-representative ng gobyerno,” aniya.
Nagsusulat daw siya ngayon ng script for a full length movie na gusto niyang idirek. May pagka-dark comedy-action daw ang tema. At the same time, nakapag-shoot na raw siya for his short film titled “Bukal.”
Dagdag pani Epy, “Ito kasing Bukal is really an advocacy. For years and years I’ve been looking for a film that I will start directing. Then, may music video rin ako na ilalabas called ‘Lukso ng Dugo.’ It’s about the war in Mindanao and about 20 artists participated in the music video. It’s going to come out in a website called Magakaisa.org.”
Saan nanggagaling ang mga ganitong adbokasiya niya, “Wala lang, siguro kakainom ko ng Baygon. Ha-hahaha! May mga grupo kasi ako, alam ninyo ba na nag-peace ambassador ako sa panahon ni P-Noy? At pumunta talaga ako sa war zone sa Mindanao. Nakita ko, e. Ewan ko. Siguro ‘yun ang naging calling ko.”
Pero aniya wala raw siyang planong pumasok sa politika, “No, iniiwan ko na kay Vandolph ‘yun. Siya na lang ang gawin nating Presidente kung gusto ninyo. Alam mo si Vandolph has found his calling. He’s really good on what he does.”