Sanya, Derrick nagpaka-wild, game na game sa sex


SARAP na sarap ang netizens sa mga Kapuso stars na sina Derrick Monasterio at Sanya Lopez na nakapanood ng trailer ng Regal movie nilang “Wild & Free.”

Feeling nila, ito na ang Pinoy version ng Hollywood movie na “50 Shades of Grey” dahil sa tema nito.

Hindi raw talaga nila kinaya ang mga sex scenes na pasilip sa trailer, huh!

Para sa kani-kanilang fans, sobra ang intense ng kaseksihang ipinakita ng dalawa sa sneak peak ng love scenes nito. Bumuhos din ang papuri sa kanila dahil talagang ibang-iba ito sa mga roles nilang pinoportray sa telebisyon.

Marami rin ang nagsasabing bagay sila at nakakakilig ang chemistry. Ngayon pa lang, libu-libo na ang fans na naghihintay sa playdate nito ngayong Oktubre para alamin ang mas matitindi pang pasabog nina Sanya at Derrick sa movie.

Narito ang ilang komento sa Facebook account ng Regal Entertainment.

“OMG! My lalabs Derrick is really mature na in this movie, my gassss!!! And my idol, sanya is really hot, omg!” ani Marilyn Haboc Daulong.

“Very intense at may pagkamysterious ang kwento. Maganda,” comment naman ni Danilo Santiago.

“Gesh!!! Ibang Sanya Lopez yong nakita ko. I’ll watch this movie. Love it. Sa trailer pa lang ang init na hahaha!” sabi naman ni Kristine Jane Eleccion Villeno.

Read more...